Pinagtripan ng mga netizen ang outfit ni Ricci Rivero sa isinagawang PBA Draft nitong Linggo, September 17 sa Market! Market! sa Taguig City.
Nakasuot ang ex-boyfriend ni Andrea Brillantes ng suit with makintab na black leather shoes.
Habang sinusulat ito ay wala pang koponan sa PBA ang sumusungkit sa dating UP Maroons player.
Narito ang reaksiyon ng ilang netizen sa suot ni Ricci.
“Star Magic ball ata pupuntahan.”
“What a brilliant outfit.”
“Wow bagong Laundry.”
“Sasayaw ata.”
“Wow nakapag laba na.”
“Nice! what a brilliant style! partida wala pang laba laba yan hahaha.”
Matatandaang nag-viral noon ang naging payo ni Andrea sa mga gustong maka-move on sa ex.
Aniya, dapat mag-isip ng mga nakaka-turn off na bagay tungkol sa ex tulad ng isang taon na hindi nagpa-laundry.
Maraming netizen ang sa tingin ay si Ricci ang tinutukoy ni Andrea na isang taon na hindi nagpalaba. (IS)