Mukhang enjoy na enjoy ngayon si Julia Montes sa paggamit ng TikTok!
Lampas isang linggo pa lang matapos pumasok sa TikTok world si Julia, pero milyones na agad ang views ng kanyang video.
Sa kanyang latest post kung saan rumampa siya at ginaya ang isang trend na ginawa rin ni Anne Curtis, umabot lang naman sa 2.5 million ang views nito.
Sey ni Julia sa caption, “Pagbigyan nyo na po … minsan lng.”
@montesjulia08 Pagbigyan nyo na po … minsan lng 😝😅😘 #fyp ♬ original sound – vibey music 🎶 🕺 🪩
Marami tuloy ang napasabi na si Julia na nga raw ang pinakamagandang artista para sa kanila.
May naghahambing pa sa kanya sa Hollywood actress na si Scarlet Johansson.
Ngayon ay active na nga si Julia sa social media pati na rin sa kanyang showbiz career, dahil inaabangan ng marami ang kanyang comeback project sa big screen kasama si Alden Richards, ang ‘Five Break-ups and a Romance’. (RP)