WebClick Tracer

John Amores pasok na sa PBA, sinungkit ng NorthPort!

Mapapanood na sa mga aksyon sa PBA ang kontrobersiyal na former JRU player noong nakaraang taon na si John Amores.

Kinuha siya ng NorthPort Batang Pier sa fifth round sa ginanap na PBA Draft para sa Season 48 sa Market! Market! sa Taguig City nitong Linggo, September 17.

Nasungkit din sa ikalimang round sina Damie Cuntapay (Terrafirma Dyip), Dariel Bayla (Blackwater Bossing), Larry Arpia (Rain or Shine Elasto Painters), Daniel Atienza (Phoenix Super LPG Fuel Masters), Lorenzo Navarro (NLEX Road Warriors), Rhinwill Yambing (Converge Fiberxers), Jessie Sumoda (Meralco Bolts), Warren Bonifacio (Magnolia Hotshots), Brandrey Bienes (Barangay Ginebra) at Ichie Altamirano (San Miguel Beermen).

Narito ang reaksiyon ng ilang netizen sa pagkakakuha kay Amores:

“Woah! Si amores nakuha! yari kay Belga at Abueva Yan.”

“Nakuha si John Amok-res.”

“Amores lang sakalam.”

Naging kontrobersiyal si Amores matapos niyang sugurin ang bench ng College of St. Benilde at suntukin ang ilang player nito sa NCAA Season 98 noong Nov. 8, 2022.

Napatawan siya ng indefinite suspension ng NCAA at tinanggal sa JRU basketball team. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on