Napansin ang matinik na depensa ni Kai Sotto sa nagdaang 2023 FIBA World Cup!
Numero uno lang naman ang Gilas Pilipinas center sa Top 10 Blocks list na inilabas ng FIBA.
Ang back-to-back blocks ni Sotto sa dating Los Angeles Lakers big man na si Wenyen Gabriel ang nakakuha ng top spot sa best blocks ng FIBA.
Sa nagdaang FIBA tournament, nag-average si Sotto ng 6 points, 4 rebounds at 0.8 blocks.
Samantala, nakapasok rin si Rhenz Abando sa Top 10 ng best blocks sa World Cup.
Ang butata na walang buwelo ni Abando sa Italian big man na si Giampaolo Ricci ay isa rin sa top blocks sa torneo. (RP)