Maraming nakakalimot na naging first round pick sa PBA si Manny Pacquiao.
Kaya naman sa 2023 MPBL All-Star Executive Game, hindi na nakagugulat na ang ‘Pambansang Kamao’ ang nagningning sa court.
Nakuha ng South All-Stars ang panalo kontra North All-Stars, 114-63, sa pangunguna ni Pac-Man.
Sa naturang laro, naglista lang naman si Pacquiao ng 33 points, 15 assists, at 11 rebounds.
Dahil diyan ay ginawaran ng MVP award si Pacquiao dahil sa kanyang impresibong performance.