WebClick Tracer

Vice Ganda pinagtanggol ni Raffy Tulfo?

Nakahanap umano ng kakampi si Vice Ganda sa mga isyung kinahaharap nito sa katauhan ni Senador Raffy Tulfo.

Sa programang “Cristy Ferminute” nitong September 15, inihayag ng host na si Romel Chika ang sinabi umano ni Tulfo tungkol sa kaibigan niyang si Vice.

“Ang sabi ni Sen. Raffy Tulfo, ‘Hayaan natin ang ahensya ang magdesisyon. Huwag tayong magsalita ng kung ano-ano. Hayaan na nating ang ahensya ang magdesisyon sa mga kasong hinaharap ngayon ni Vice Ganda’,” ani Romel Chika.

Sumang-ayon naman si Cristy Fermin sa sinabing ito ni Tulfo.

“Dapat talaga. Dapat talagang ipaubaya ni Kuya Raffy, ni Senador itong problemang ito sa MTRCB. Siya ay nasa Senado, ang MTRCB naman po ang talagang itinalaga ni PBBM para magbantay po sa kalinisan, katinuan at pag-aalaga sa mga bata,” saad ni Cristy.

Matatandaang matapos patawan ng MTRCB ng 12-day suspension ang “It’s Showtime”, isang grupo naman ng mga umano’y social media broadcaster ang nagsampa ng kasong may kinalaman sa cybercrime laban kina Vice at Ion Perez.

Kaugnay pa rin ito ng pagsubo ng icing nina Vice at Ion sa “Isip Bata” segment ng programa noong July 25, 2023. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on