WebClick Tracer

6 suspek sa pagdukot sa mga sabungero sa Maynila, arestado

Dinakip nitong Biyernes, Setyembre 15 ang anim na suspek sa pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Cockpit Arena sa Sta. Ana, Manila noong Enero 2022.

Ayon kay PNP chief General Benjamin Accorda, bandang ala-1:45 ng hapon inaresto ng CIDG Region 4A sa Parañaque City ang anim na suspek.

Kinilala ang mga suspek na sina Julie Patindongan, Dondon Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano Jr., Johnry Consolacion at Gleer Codilla.

Inaresto rin ang mga kasamahan nila na sina Melchor Neri at Victorino Jocosol dahil sa obstruction of justice.

TELETABLOID

Follow Abante News on