WebClick Tracer

Testigo sa pagmaltrato sa kasambahay sa Occidental Mindoro, tinangkang patayin

Tinangkang patayin ang pangunahing testigo sa pagmamaltrato sa kasambahay na si Elvie Vergara nitong Martes ng gabi.

Ayon sa ulat ni Abante correspondent Ronilo Dagos, nanonood ng TV si alyas Dodong sa kaniyang bahay sa Paluan, Occidental Mindoro nang puwersahang pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng bonnet sa pamamagitan ng pagsipa sa pinto.

Kasabay ng pagsasabi ng suspek na “Dito ka lang pala makikita!” ay agad na pinaputukan si alyas Dodong na masuwerteng hindi tinamaan.

Nakatakbo si alyas Dodong pero sinundan pa siya hanggang palayan at muling binaril na hindi rin tinamaan.

Dalawa umano ang suspek na nakasuot ng bonnet pero isa lamang ang nagpaputok.

Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group si alyas Dodong at nasa isang safehouse na ngayon.

TELETABLOID

Follow Abante News on