WebClick Tracer

PBBM bibiyahe sa Singapore para sa 10th ASIAN Summit

Biyaheng Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Miyerkoles para dumalo sa 10th Asian Conference.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sa nakatakdang summit ay inaasahang magsasalita ang Pangulo at ibibida ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno para mabago ang buhay ng mga Pilipino sa harap ng mga pagsubok.

Si Pangulong Marcos Jr. ang magiging kauna-unahang Philippine President na magsasalita sa Asia Summit kung saan ang host ay ang Milken Institute.

Makakasama ng Pangulo sa summit si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.

Magiging sentro ng talakayan sa Asia Summit 2023 ang mga isyung may kinalaman sa kapayapaan at katatagan, inequality, pagkakaiba ng kultura at ang matinding pagkasira ng kalikasan.

Ang Asia Summit ay matagal ng nakatutok sa public health, environmentalism, economic policy at globalization.

Habang nasa Singapore, sasamantalahin ni Pangulong Marcos Jr. ang pakikipagpulong sa business leaders para sa posibleng partnerships upang palakasin ang ugnayan sa ekonomiya ng Pilipinas at Singapore.

Nakatakdang dumalo rin ang Pangulo sa finals ng Formula One Singapore Grand Prix 2023 batay sa imbitasyon ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

PBBM sa mga estudyante ng MMSU: ‘Sana hindi mapait ang palay na aanihin nyo’

TELETABLOID

Follow Abante News on