Hinoldap habang nagla-live selling ang isang online seller sa Sta. Rosa City, Laguna.
Ayon sa ulat sa programang “State of the Nation”, nilapitan ang biktimang si Agnes Serafica, 52-anyos, ng suspek na nakasuot ng helmet at binaligtad ang kanyang cellphone.
Matapos nito’y tinutukan na umano ng baril ng suspek si Serafica.
Nagbabantay naman malapit sa pintuan ng bahay ang isa pang suspek.
Mahigit 100,000 halaga umano ng alahas ang natangay ng mga salarin pati na ang cellphone na ginagamit ni Serafica sa pagla-live selling.
Isa sa mga suspek pati na ang lookout niya ang sumuko na umano sa pulisya.
Dagdag pa sa ulat, isa sa mga suspek ay kapitbahay pa ng biktima.
See Related Story Here: