WebClick Tracer

Houston Rockets guard kalaboso sa pambubugbog ng girlfriend

Inaresto si Houston Rockets guard Kevin Porter Jr. nitong Lunes matapos umanong gulpihin ang kanyang girlfriend sa isang hotel sa New York City.

Ayon sa ulat ng New York Post, dinala na sa ospital ang 26-anyos na si Kysre Gondrezick, former WNBA player, na may hiwa sa kanang bahagi ng kanyang mukha at nanakit ang leeg dahil umano sa pananakal ni Porter.

Nangyari ang insidente bandang alas-6:30 ng umaga sa Millennium Hilton malapit sa United Nations sa Manhattan.

Natutulog umano si Gondrezick nang bigla na lamang umanong bugbugin ni Porter.

Kinasuhan na si Porter ng assault at strangulation. (IS)

See Related Story Here:

Maglaro sa college! Kevin Durant may payo kay Bronny James

TELETABLOID

Follow Abante News on