WebClick Tracer

House Appropriations panel tinapos na pagtalakay sa P5.768T budget para sa 2024

Tinapos na ng House Committee on Appropriations ang pagtalakay sa panukalang P5.768 trilyong budget para sa 2024.

Pasado alas-7 ng gabi ng aprubahan ni Committee senior Vice-chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ang pagdinig ng komite. Ang huling sumalang ay ang Commission on Higher Education.

“Over all naman on target naman tayo. So, we started August 10 and sa awa ng Diyos natapos naman tayo on time,” sabi ni Quimbo.

Ayon kay Quimbo, sa Huwebes, Setyembre 14 ay magkakaroon ng pagpupulong ang komite kung saan inaasahan na maaaprubahan ang schedule para sa pagtalakay ng budget sa plenaryo gayundin ang committee report.

“Hopefully matapos tayo by September 27 so yan ang ating schedule,” sabi in Quimbo na ang pinatutungkulan ay ang pagpasa ng panukalang budget sa ikatlo at huling pagbasa.

Nang tanungin kung alin sa mga ahensya ang posibleng mabawasan ng budget, sagot ni Quimbo, “Mahirap magsalita at this point baka syempre, baka magtampo ang mga ahensya. And at the same time, may plenary debates pa naman. So, ‘wag muna natin i-judge at this point in time kasi yung pagkilatis talaga is really going to happen pa sa plenary.”

Nauna rito, sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na target ng Kamara de Representantes na aprubahan ang panukalang budget bago ang adjournment ng sesyon sa Setyembre 30. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on