Binisita ni Team USA deputy coach Chip Engelland ang dating teammate na si PBA legend Samboy Lim.
Ilang litrato ng naganap na reunion ang ibinahagi ni sports journalist Quinito Henson sa kanyang Instagram nitong September 10.
Makikita si Engelland habang nakahawak sa kamay ni Lim at nakahalik sa noo nito.
Paralisado na si Lim buhat nang mag-collapse sa isang basketball game noong 2014.
“A touching visit by Chip Engelland to show his love and concern for former teammate Samboy Lim!” ani Henson.
“Everyone was teary-eyed including Samboy as Chip held his hand, kissed him and repeatedly said I love you, brother!” dagdag pa niya.
Kamakailan ay dinalaw rin ni Engelland ang mga dating teammate sa national basketball team kabilang na sina Allan Caidic, Hector Calma, Franz Pumaren, Elmer Reyes, Peter Aguilar, Jerry Codiñera at fellow naturalized player na si Jeff Moore.
Isang naturalized Filipino citizen si Engelland at naging parte ng Philippine team na nakasungkit sa Jones Cup noong 1985. (IS)