WebClick Tracer

‘Pinas handa sa malakas na lindol na nangyari sa Morocco – Phivolcs

Nakahanda ang Pilipinas sakaling makaranas ng malakas na lindol kagaya ng nangyaring pagyanig sa Morocco.

Ito ang may kumpiyansang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Director Teresito Bacolcol ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa opisyal, malaking tulong ang ginagawang earthquake drill ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaya alam ng mga tao kung paano maghanda sakaling magkaroon ng malakas na lindol.

“I think, we’re more prepared now than before, say 20 or 30 years ago, and aware po iyong mga tao ngayon. And isa po sa mga dahilan dito is iyong every quarter na earthquake drill na ginagawa ng NDDRMC,” ayon kay Bacolcol.

Mahalaga rin aniyang nasusunod ng maayos ang mga batas sa pagtatayo ng mga istruktura upang masigurong matatag at hindi magdudulot ng panganib sakaling magkaroon ng malakas na lindol.

“Kailangan po nating paghandaan – sumunod po tayo sa building code; make sure that we follow the minimum engineering standard; and maghanda po tayo ng mga kagamitan katulad po ng emergency bag. Kailangan po rin na may sapat po tayo na pagkain that would last for at least three days,” dagdag ni Bacolcol.

Isa sa mga pinangangambahang malakas na lindol sa Metro Manila ay ang tinatawag na “the big one” dahil sa west valley fault kung saan kapag nangyari umano ito ay masasapol ang ilang mga lugar sa National Capital Region. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on