WebClick Tracer

PH Embassy: Walang Pinoy na nasawi sa Morocco earthquake

Ligtas ang mga Pinoy na nakabase sa Morocco matapos tumama ang magnitude 6.8 earthquake.

Ayon sa Philippine Embassy sa Morocco, walang nasaktan o nasawing Pinoy sa naturang bansa.

Tinatayang nasa 4,600 Pinoy ang nasa Morocco.

Nangyari ang lindol Biyernes ng gabi sa Marrakech, Morocco.

Batay sa ilang ulat, abot na sa 2,012 katao ang nasawi dahil sa lindol, abot 2,059 naman ang sugatan. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on