WebClick Tracer

Luka Doncic sinopresa fan ng FIBA trophy!

Ramdam na ramdam ni Luka Doncic ang pagmamahal ng mga Pinoy fan, kaya naman ginagawa rin niya ang lahat para masuklian ito.

Patunay nga ang pagkababad pa rin sa laro ni Doncic kahit maituturing nang non-bearing game ang huli nilang dalawang laro.

At noong manalo nga sila kontra Italy ay nakasungkit ng Player of the Game trophy si Doncic.

Pero hindi rin nagtagal sa kanya ang tropeo, dahil agad niya itong pinabigay sa isang pamilya na ang baby ay pinangalan sa kanya.

Ang trophy ay napunta sa pamilya ni Prince Rivero, dating naglaro sa PBA at kapatid ni Ricci Rivero.

Pinangalan nila ang anak nila kay Luka matapos itong mapanood maglaro ng kanyang misis na si Lesley. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on