Pinasabugan ng granada ng mga hindi nakilalang mga salarin ang terminal ng Magnificat Transport bus sa Barangay. Bugaan East, Laurel, Batangas nitong Linggo ng madaling araw.
Ayon sa report ng Laurel police, isang bus ang nagkaroon ng grabeng pinsala dahil sa pagsabog.
Kuwento ng security guard ng terminal na si Alber Serrano, nagpapahinga siya sa isa sa mga bus ng biglang sumabog ang granada sa katabi ng kinaroroonan nyang bus dakong alas 3:30 ng madaling araw.
Nadamay pa ang 9 pang bus na nagkaroon ng mga minor damage.
Wala namang naiulat na nasaktan sa explotion.
Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang pagkakakilanlan sa mga salarin.
Isa sa tinitingnang motibo ng pulisya ang rivalry sa negosyo.
(RONILO L. DAGOS)