WebClick Tracer

Morocco niyanig ng magnitude 6.8 na lindol, higit sa 600 na katao dedo

Higit sa 600 na katao ang nasawi sa Morocco matapos itong tamaan ng magnitude 6.8 na lindol.

Bukod sa nasabing bilang ng mga nasawi, tinataya rin na nasa higit sa 300 na katao ang sugatan kabilang na ang 51 na nasa kritikal ang kondisyon.

Nanawagan naman ang health authorities na magbigay ng dugo para makatulong sa mga biktima.

Ayon sa mga awtoridad, maraming residente umano ang hindi muna bumalik sa kanilang mga tahanan at nagpalipas ng gabi sa kalsada dahil sa takot sa aftershocks.

(CS)

See Related Story Here:

Davao Occidental inuga ng magnitude 5.1 na lindol

TELETABLOID

Follow Abante News on