WebClick Tracer

OVP planong magtayo ng sariling gusali

Sinisimulan na ng Office of the Vice President (OVP) ang negosasyon para sa pagbili ng lupa na pagtatayuan ng permanenteng nitong tanggapan.

Sa deliberasyon ng Senate Committee on Finance sa panukalang P2.85 bilyong budget ng OVP para sa 2024, tanong ang mga opisyal ng OVP tungkol sa pagkakaroon nila ng sariling gusali.

Tugon naman ni Atty. Zuleika Lopez, chief of Staff ni Vice President Sara Duterte-Carpio, na kinukonsidera nila ang pagtatayo ng permanent tanggapan.

“There is a plan…we’re still under negotiations for land acquisition for the construction of our OVP permanent office,” pahayag ni Lopez sa komite.

Nang tanungin kung popondohan ito sa ilalim ng panukalang 2024 budget, sinabi nitong nakaplano pa lang ito at patuloy ang negosasyon sa pagbili ng loteng pagtatayuan ng gusali ng OVP.

“It’s still in the pipeline because it’s still undergoing negotiations as to the matter of land acquisition. We are considering sites for the said OVP building,” sabi ni Lopez.

“It is a planned project for the term of the Vice President,” dagdag pa niya.

Isa sa kinukonsiderang pagtatayo ng OVP building ay ang Coconut Palace sa CCP Complex sa Pasay City.

“Initially, one of the identified areas was the area of Coconut Palace. It is still undergoing negotiations but the Office of the Vice President is considering other locations,” sagot ni Lopez nang tanungin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel III tungkol sa ‘target property’ na pagtatayuan ng naturang gusali. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

OVP idinepensa 433 security escort

TELETABLOID

Follow Abante News on