WebClick Tracer

2 katao todas sa hagupit ng Habagat

bagyo

Nasawi ang dalawang katao dahil sa pananalasa ng Habagat na pinalakas ng bagyong Goring at Hanna.

Ayon sa Office of the Civil Defense (OCD), ang namatay ay nagmula sa Cordillera at Western Visayas.

Patuloy ang paglakas ng ulan sa bansa kahit pa nakalabas na ang Goring sa Philippine area of responsibility.

Habang ang bagyong Hanna naman ay papalapit na sa Taiwan, ngunit apektado pa rin ang ilang parte ng Pilipinas dahil pinalalakas ng dalawang bagyo ang Habagat.

Lahad ni OCD spokesperson Edgar Posadas, abot na sa 418,000 katao ang nasalanta ng bagyo.

Sa agrikultura, tinatayang umabot sa P421M ang napinsala, habang P130M naman ang naging sira sa imprastruktura. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on