WebClick Tracer

Chiz sa BI: Bayaran mga pasaherong na-miss ang flight dahil sa mahabang interogasyon

Nais ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na pabayaran sa Bureau of Immigration (BI) ang travel expenses ng mahigit 32,000 pasaherong na-offload sa kanilang flight dahil sa mahabang interogasyon ng mga immigration officer.

Sa kaniyang manifestion sa privilege speech ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nagkokonenda sa bagong travel guidelines ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), sinabi ni Escudero na dapat managot ang mga immigration office sa abalang ibinigay nila sa mga pasahero na-miss ang kanilang mga flight.

Ang bagong travel rules, na nakatakdang ipatupad sa Setyembre 3, ay mariing kinokonda sa iba’t ibang social media platforms lalo na ang dagdag na requirement para sa mga manlalakbay.

“Hinahayaan dapat silang magbiyahe at hayaan nating ‘yung bansang kanilang pupuntahan ang tumingin at magtanong: meron ka bang pambayad sa hotel? May insurance ka ba?” tanong ni Escudero.

“Dahil bago sila inisyuhan ng visa, Mr. President, tiningnan at hiningi na lahat ‘yan ng mga embassies. Bakit kailangan pa ipresenta muli sa ating mga immigration officers sa airports?” dagdag pa niya.

Para turuan ng aral ang BI, sinabi ni Escudero na dapat pagbayarin ang mga ito sa gulong nilikha nila sa mga Pinoy na gusto magbiyahe sa ibang bansa.

“May I seek the chamber’s support that we include a provision in the proposed 2024 national budget that these 32,404 passengers and anyone who will be offloaded will be reimbursed in so far as their expenses is concerned,” saad ni Escudero.

“This will be chargeable against the immigration fees being collected by the BI since a percentage of this goes to them anyway. Let it hurt them, Mr. President, so that they learn their lessons and they exercise the power given to them not arbitrarily but with due diligence and care,” dagdag niya.

Sa talaan ng BI, may kabuuhang 32,404 pasaherong Pinoy ang hindi pinayagang makaalis ng bansa noong 2022. Sa naturang bilang 472 ang napatunayang biktima ng human trafficking o illegal recruitment. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Dagdagan intel fund ng PH Coast Guard – Escudero

TELETABLOID

Follow Abante News on