WebClick Tracer

Zion Williamson maskulado na

Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang mga bagong larawan ni New Orleans Pelicans star Zion Williamson.

Sa mga bagong larawan nito, makikitang maskulado na ito at kitang-kita rin na putok na putok ang muscles nito.


Matatandaang bago pa man pumasok sa NBA ay isyu na kay Williamson ang timbang nito. Bukod sa isyu sa timbang, naging isyu rin kay Williamson ang mga natamo nitong injury dahilan upang magmintis ito ng ilang laro.

Ngunit para sa paparating na season, tila balak nitong gulatin ang basketball fans at ipakita ang malaking pagbabago sa kaniyang katawan. (CS)

See Related Story Here:

Bebot ibinuking ‘baho’ ni Zion Williamson, sex tape balak ikalat

TELETABLOID

Follow Abante News on