WebClick Tracer

VTV Cup: Choco Mucho pinabagsak Japanese team

Wagi ang Choco Mucho sa kanilang unang laban sa 2023 VTV Cup sa Vietnam nitong Sabado.

Apat na set lang ang kinailangan ng Flying Titans para talunin ang Kansai University mula Japan, 25-17, 25-23, 19-25, 25-22.

Nanguna para sa Choco Mucho ang matinding depensa nina Maddie Madayag at Cherry Nunag.

Nasandigan naman ng Flying Titans sa opensa si Kat Tolentino para sa unang panalo sa naturang torneo.

Susunod na kakalabanin ng Choco Mucho ang national team ng Vietnam.

(RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on