WebClick Tracer

Team Philippines nakasungkit ng higit sa 300 medals sa WCOPA

Nakasungkit ng higit sa 300 medals ang Team Philippines sa 26th Annual World Championships of Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa California.

Nakakuha ang Team Philippines ng 86 gold medals, 91 silver medals, 59 bronze medals, 10 finalists medals, 56 semifinalists medals at 53 division winner plaques.

Bukod sa nasabing bilang ng medals, nakakuha rin ito ng pitong scholarship mula sa New York Conservatory of Dramatic Arts.

Ang WCOPA ay isang event kung saan nasa higit sa 70 na bansa ang kasali upang ipakita ang kanilang talento sa pag-awit, pagsayaw at pag-arte.

(CS)

See Related Story Here:

Phil. Women’s National Football Team binati ng Pangulo sa panalo sa FIFA Women’s World Cup

TELETABLOID

Follow Abante News on