WebClick Tracer

Mark Villar ka-bonding ni Bullet! ‘Eat Bulaga’ naintriga sa paglipat sa ALLTV

Napaisip ang mga netizen kung lilipat na ba sa ALLTV ang ‘Eat Bulaga’ ng TAPE, Inc.

Ito’y matapos na mag-post sa Instagram ang TAPE executive na si Bullet Jalosjos kasama si Senador Mark Villar.

Ngunit giit ng production company, walang katotohanan ang tsismis na lilipat ng ALLTV ang ‘Eat Bulaga.

Ayon sa abogado ng TAPE na si Maggie Abraham-Garduque, hindi dapat lagyan ng kulay ang pagkikita nina Bullet at Mark.

Wika ng abogada, tanging bumati lang si Bullet para sa kaarawan ng senador.

Giit pa nito, ang Camella Homes ng mga Villar ay sponsor ng isang segment ng ‘Eat Bulaga’.

Dinagdag din ng abogado ng TAPE na walang rason para lumipat ng network ang ‘Eat Bulaga’ dahil may blocktime agreement pa sila sa GMA-7.

Nanatili sa Kapuso network ang ‘Eat Bulaga’ sa kabila ng pagkalas ng mga original host na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Samantala, nakasampa sa Marikina court ang copyright infringement at unfair competition laban sa TAPE, Inc. para sa pangalang ‘Eat Bulaga’ na nais ding gamitin ng TVJ sa kanilang noontime show sa TV5. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on