WebClick Tracer

Tahimik pa rin sa rambulan issue: Vice Ganda binitawan na si Awra?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ina-address ni Vice Ganda ang tungkol sa nangyaring rambulan sa Poblacion, Makati na kinasangkutan ng kanyang alaga na si Awra Briguela.

Sa ‘Showbiz Update’ ni Ogie Diaz, nai-topic ang tungkol sa mga bagong kaso na isinampa laban kay Awra ng mga nakaalitan nito.

Napag-usapan din kung may ugnayan pa ba si Vice at Awra kasunod ng insidente, lalo pa’t talent manager ng huli ang ‘Unkabogable’ star.

Sey ni Ogie, noong mapadaan siya sa bahay ni Vice ay nandoon sa harap ng tahanan si Awra.

“Kasi one time nakita ko nga si Awra, nandoon sa harap ng bahay ni Vice… kasama ni Awra ‘yung tatay niya,” lahad ni Ogie.

Kung sakali man daw na binatawan na ni Vice si Awra ay hindi na dapat magulat ang madla.

“Kung binitawan man siya ni Vice, huwag na tayong ma-shock,” wika ni Ogie. “Syempre kung stress ‘yan kay Vice, bibitawan niya ‘yan.”

“Pero kung kay Vice ay naniniwala siyang kaya niyang ayusin ‘yan or kaya niyang sabihin o pakiusapan si Awra na makipag-ayos na, gagawin ‘yun ni Vice,” aniya pa.

(RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on