WebClick Tracer

Pasabog ni AJ: Kabit sa hiwalayang Kylie, Aljur, may baby na!

Tila kinumpirma ni AJ Raval na kabit nga ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Pero ang depensa ni AJ, hindi raw siya ang bebot na pinag-awayan nina Aljur at Kylie.

“Kung may naganap man na lokohan sa relasyon nilang dalawa noon, hindi ako ‘yung involved na babae doon,” sey ni AJ sa kanyang Facebook live.

“Hanapin niyo na lang kung sino ‘yon, pero ako kilala ko kung sino siya,” giit pa niya.

Tinanong tuloy siya ng mga followers niya kung sino ang naging ‘other woman’ ni Aljur.

Pag-amin ni AJ, kapag daw may nababasa siyang namba-bash sa kanya ay nangangati rin siyang i-name drop ang bebot, pero hindi niya raw ito ginagawa dahil pamilyado na rin daw ang babae.

“Huwag na, kawawa din kasi alam ko may baby na din ‘yung girl o kung sino man ‘yon,” lahad ni AJ.

(RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on