WebClick Tracer

PANOORIN: Jak Roberto may anti-silos class sa JRU!

Tuwang-tuwa ang mga estudyante sa Jose Rizal University (JRU) sa pagbisita ng aktor na si Jak Roberto!

Paano ba naman kasi ay nabibiro si Jak na may sarili daw na university para sa kanyang ‘anti-silos class’ at JRU nga daw ang pangalan nito dahil sa kanyang initials.

Sa kuhang video ni @gen_silverio, makikita si Jak na game na sumayaw at nagbigay ng lesson tungkol sa anti-silos.

Marami tuloy ang naaliw kay Jak, na sinasakyan na lang ang biro ng mga netizen.

@gen_silverio Prof. Jak Roberto 😂 BS in Anti-Silos HAHAHAHAHAHAHAH #jakroberto #jakrobertoantiselosclass #JRU #antisilos #fypシ ♬ original sound – gen_silverio

Matatandaan na si Jak daw ang icon ng hindi pagiging seloso dahil sa love team ng kanyang dyowa na si Barbie Forteza kay David Licauco.

(RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on