WebClick Tracer

LeBron James sobrang sipag, madaling araw nagsisimula magpalakas

Ibinida ni LeBron James na madaling araw pa lang ay nagsisimula na siyang magpalakas.

Sa Instagram story ng four-time NBA champion, makikitang nagsimula ito ng 3:50 am at nasa gym na kaagad ito ng 4:21 am.

Ipinasilip rin ng Los Angeles Lakers, koponan ni James, ang ilang larawan mula sa training ni James.

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Los Angeles Lakers (@lakers)


Sa edad na 38, may average si James noong nakaraang season na 28.9 puntos, 8.3 rebounds at 6.8 assists.

Samantala, magsisimula naman ang NBA sa Oktubre 24. Makakaharap na kaagad nila James ang nagpatalsik sa kanila noong nakaraang season, ang Denver Nuggets. (CS)

See Related Story Here:

LeBron James tuloy pa rin sa pagpapalakas

TELETABLOID

Follow Abante News on