WebClick Tracer

Ivory Coast tinambakan: Clarkson, Sotto, Thompson alas ng Gilas!

Mukhang full force na Gilas Pilipinas ang masisilayan sa 2023 FIBA World Cup dahil sa paglalaro ng kanilang tatlong bigating manlalaro.

Sa naging tuneup game ng Gilas kontra Ivory Coast, nagkasama sa court ang NBA guard na si Jordan Clarkson, NBA hopeful na si Kai Sotto, at PBA reigning MVP na si Scottie Thompson.

Ayon kay Gilas head coach Chot Reyes, magandang makita ang tatlong manlalaro na magkasama sa kanilang panalo sa Ivory Coast, 85-62.

“We take solace in the fact that at least we got one game under our belt where we got those three guys in,” wika ni Reyes.

Sa naturang laro, 13 points ang binuhos ni Clarkson na maagang nagpahinga.

May 11 points, four rebounds at five assists naman si Thompson. Habang si Sotto ay nagdagdag ng 10 markers sa 5-of-6 shooting.

Lahad ni Chot, ang ensayo nila kontra Ivory Coast ay bilang paghahanda sa Angola na makakalaban nila sa group stage ng 2023 FIBA World Cup.

Bukod sa Ivory Coast, makakaharap din ng Gilas sa mga susunod pang tuneup game ang Montenegro at Mexico. (RP)

See Related Story Here:

Gilas target maka-2 panalo sa FIBA World Cup

TELETABLOID

Follow Abante News on