WebClick Tracer

Flight attendant ata hanap! Potato Corner dinurog sa job qualification para sa service crew

Nawindang ang mga netizen nang makita ang Facebook post ng isang branch ng Potato Corner na nagha-hire ng service crew.

Sa buradong post ng Potato Corner Ventura Mall, mapapansin ang umano’y mataas na standard para sa paghahanap ng bagong empleyado.

Kasama kasi sa job qualifications ang pagkakaroon ng ‘clear complexion’ at ‘good set of teeth’.

Bukod pa diyan ay nakalagay rin sa post na ang service crew ay dapat na may ‘good visual impact’ at tama lang daw dapat ang timbang sa height.

image.png

Dahil dito’y maraming netizen ang napa-comment dahil tila artista, flight attendant o model raw ata ang hinahanap ng Potato Corner.

Heto ang ilan sa kanilang komento:

“Dahil sa ganitong qualifications maraming Pinoy na mas pinipiling maging tambay kahit kaya naman gawin ang trabaho.”

“Ano to beauty contest? Baka may Binibining Potato Corner Universe 2024.”

“Potato Corner ano po bang talagang hanap niyo? Artista or flight attendant? Tapos minimum sahod. Jusko.”

“Sino kayang mapalad na papasok sa mala Flight Attendant qualifications ni Potato Corner? Face reveal ng nakaisip ng job posting nato. Tingnan lang namin.”

““Weight must be proportionate to height” Magkano ba pasahod ng Potato Corner para magdemand ng ganito?”

Wala pa namang reaksyon ang Potato Corner hinggil sa viral na job posting. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on