WebClick Tracer

Arroyo: Hindi ko pinatanggal BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Iginiit ni House Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na hindi siya ang pangulo na nangakong tatanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Lahad ni Arroyo, sa kanyang panunungkulan bilang Pangulo ay wala siyang ipinangako para alisin ang naturang barko sa naturang teritoryo.

“I will categorically state three facts. First, I never made such a promise to China or any other country,” saad ni Arroyo.

“Second, I never authorized any of my government officials to make such a promise. Third, I only became aware of such claims recently, when the matter surfaced in public discussions,” aniya pa.

Matatandaan na sinabi ng China na nangako raw ang Philippine government na aalisin ang barko sa Ayungin Shoal.

Ngunit hindi batid kung kaninong administrasyon nanggaling ang nasabing pangako.

Ayon naman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, hindi rin niya alam ang sinasabing agreement ng China at Pilipinas patungkol sa BRP Sierra Madre.

Kung mayroon man daw na agreement ay kanya na itong pinapawalang-bisa.

(RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on