WebClick Tracer

Anthony Edwards nanguna sa panalo ng Team USA

Nagtala ng 21 puntos si Anthony Edwards sa panalo ng Team USA laban sa Greece sa isang tune-up game, 108-86.

Bukod kay Edwards, mayroon ding naitala na 11 puntos si Austin Reaves at Jaren Jackson Jr.

Hindi pinagbigyan ng Team USA ang Greece at matindi ang pagkakahawak sa kalamangan sa buong laro.

Ngunit kahit nanalo na, ipinunto ni coach Steve Kerr ang problema nila sa turnovers at pagkuha ng rebounds.

“The concern is turnovers and rebounds,”

“If we stay even on the possession game, I feel great about our chances against anybody. The way teams can beat us is if they get extra possessions and force a lot of turnovers and we’re not sharp and we’re not boxing out. I’ve told our guys that. I’ll tell you guys that. It’s not really a secret. So, that’s our focus.” dagdag pa nito.

Samantala, ang Greece naman ay sasabak sa paparating na FIBA World Cup na hindi kasama si Giannis Antetokounmpo. Ayon kay Antetokounmpo, matapos ang ilang buwan na pakikipagkita sa medical staff, napagdesisyunan nito na hindi na lumaro pa sa nasabing torneyo.

Malaking kawalan ito para sa Greece dahil si Antetokounmpo ang inaasahan na magbubuhat sa opensiba ng koponan. Sa loob ng 63 na laro sa 2022-23 season para sa Milwaukee Bucks, may average ito na 31.1 puntos, 11.8 rebounds at 5.7 assists. (CS)

See Related Story Here:

Anthony Edwards magpapalit ng jersey number

TELETABLOID

Follow Abante News on