WebClick Tracer

Zubiri: Skilled workers mananatili sa Pilipinas kung itataas ang sweldo

“Wala na tayong workers. Most of our skilled workers (went) abroad. Most of our best welders and electricians are all in Saudi Arabia, the Middle East.”

Ito ang sinabi ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) kasabay ng panawagan para sa P150 legislated wage hike na makakatulong sa mga skilled worker na manatili sa bansa.

Ginawa ng senador tugon sa pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na ang kakulangan ng mga skilled worker sa bansa ang siyang dahilan kung kumukuha ang gobyerno ng mga Chinese worker.

“And why, your Honors, (is there a shortage)? Because to be honest, they don’t feel that they can survive with the salaries that we have here in the Philippines,” sabi ng Senate President.

“I know you came out already publicly stating that you guys are against legislative wage hikes, but I’ll be honest with you, Secretary, kawawang-kawawa po ang ating mga kababayan,” dagdag niya.

Nauna nang inaprubahan ng wage board ang dagdag na P40 sa minimum wage sa mga manggagawa ng pribadong sektor sa Metro Manila kaya umabot na ito P610 kada araw. Nanatili naman ang minimum wage rate sa ibang bahagi ng bansa.

“Ang masama pa, ‘yung P40 wage hike ay sa Metro Manila lang. Sa amin sa Mindanao, it has not moved. Do you know what the daily wage earner in her (Secretary Pangandaman) province earns? P340. What can you buy with P340 for a family of five?,” tanong ni Zubiri.

“The cost of rice is the same. The cost of energy is even more expensive in Lanao del Sur. Yung Jollibee, McDonald’s, pareho ang presyo nila doon at dito sa Manila. My point is, I think we also need to look into the possibility that we increase the wages of our people a bit,” pagpapatuloy niya.

Bagama’t kinikilala ni Zubiri ang lalahanin ni Diokno na ang pagtaas ng minimum wage ay makakaapekto sa inflation, maari naman umanong itong matugunan sa pamamagitan pagtuon sa pagsusumikap sa pagbabawas ng enerhiya at food cost.

“What we need to focus on is our energy sector, which is the most expensive. Isa tayo sa pinakamahal. Kaya lahat ng investors, unang-una ang tanong nila, bakit ang mahal ng kuryente mo? Yan ang kailangan nating pababain, ang food cost and electricity cost,” saad ni Zubiri. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Locsin ‘perfect choice’ bilang special envoy sa China – Zubiri, Poe

TELETABLOID

Follow Abante News on