WebClick Tracer

Tolentino: Security breach sa Bilibid sisiyasatin ng Senado 

Nakatuon ang susunod na imbestigasyon ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa kung paano nakatakas ang isang deprived of liberty (PDL) sa compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ginawa ni Senador Francis Tolentino, chairman ng komite, ang pahayag matapos madakip ng mga awtoridad sa lalawigan ng Rizal ang 25 anyos na si Michael Cataroja, preso sa Maximum Security Compound, lagpas isang buwan matapos siyang mapaulat na nawawala.

“Matutuon ngayon ang hearing ng Senate Committee on Justice and Human Rights kung paano nakatakas si PDL Michael Cataroja at kung ano ang naging kapabayaan ng BuCor sa hearing sa Martes, Agosto 22,” sabi ni Tolentino.

Si Cataroja ay may sentensiyang pagkakakulong ng 12 hanggang 20 dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 612 or the Anti-Fencing Act Law. Siya ang unang napabilang sa nawawala sa Maximum Security Compound noong Hulyo 15 bago siya naaresto noong Agosto 17.

Nauna nang nagsagawa ang Senate Blue Ribbon ng pagdinig kasunod nang pagkadiskubre ng mass grave sa isang septic tank sa loob ng national penitentiary matapos madiskubre ang mga pirasong buto sa naturang lugar.

Sa naturang imbestigasyon, nadiskubre ng komite na ang scheme o pamamaraan kung nagagawa ng mga drug syndicate na magpasok at mag-repack ng iligal na droga sa loob ng NBP compound. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Tolentino: I-modernize aerospace agency

TELETABLOID

Follow Abante News on