WebClick Tracer

Rep. Duterte: Mahihirap na komunidad isali sa paggawa ang proyektong para sa kanila

Itinulak ni Davao City Rep. Paolo Duterte at dalawang iba pang mambabatas ang isang panukala upang makasali ang mga mahihirap na komunidad sa pagpaplano at implementasyon ng mga proyekto at programa na tutugon sa kanilang pangangailangan.

Sinabi ni Duterte na ang pagsasabatas ng Community-Driven Development (CDD) approach ay titiyak na angkop ang mga proyekto at programa sa mga mahihirap at liblib na komunidad.

“Poor and far-flung communities should get a say on what should be done to alleviate poverty in their areas since they know what’s happening on the ground and what problems need urgent action. This is the true spirit of inclusive growth,” sabi ni Duterte.

“Allowing them to identify, plan, budget and implement small development projects will not only give them a sense of empowerment, but would also ensure that they maintain and sustain these projects well. Since they are involved in all the aspects of the project implementation, they would make sure that their hard work would not go to waste,” dagdag pa ng solon.

Sina Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS party-list Rep. Edvic Yap ang may-akda ng House Bill 500 para sa pagsasabatas ng CCD strategy.

Ayon sa mga may-akda, ang panukala ay kinuha sa Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan–Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) program na ipinatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga piling komunidad.

“With local government units (LGUs) expected to receive over P827 billion in 2024 as their National Tax Allotment or their share in the collection of national taxes, many cities and municipalities can well allocate a portion of this windfall to help fund CDD projects in their localities, especially once the bill becomes a law,” sabi pa ni Duterte.

Sa ilalim ng HB 500 ay itatayo ang Advisory Council on CDD Institutionalization na pamumunuan ng kalihim ng DSWD at co-chair naman ang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tutulong sa implementasyon ng batas. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Rep. Duterte itinulak dagdag na postharvest facility para maibaba presyo ng bigas

TELETABLOID

Follow Abante News on