WebClick Tracer

Rep. Co: Pagsibak kay Teves paalala sa mga mambabatas na umakto ng tama

Ang pagsibak umano ng Kamara de Representantes kay Arnolfo Teves Jr. bilang miyembro ng 19th Congress ay isang paalala sa mga kongresista na kumilos ng nararapat.

Ito ang sinabi ni House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co matapos bumoto ang 265 kongresista pabor sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges, lagpas sa kinakailangang 208.

“This bold step establishes a vital precedent, reminding us unequivocally that, as stewards of the people’s trust, we are bound not solely by the imperative to formulate and enact judicious legislation, but also by the solemn responsibility to conduct ourselves with dignity, honor, and integrity,” sabi ni Co.

Ayon kay Co, ang desisyon laban kay Teves ay batay sa mga bagay na hindi maaaring palagpasin gaya ng paghingi nito ng asylum sa Timor-Leste, ang hindi nito pagganap sa kanyang tungkulin, at ang “indecent behavior” nito batay sa mga video na ipinost nito sa social media.

“The decision is proof of Speaker Romualdez’s promise to safeguard the prestige, honor, and dignity of the House,” sabi ni Co. “Just as a father ensures that his children face the consequences of their actions, Speaker Romualdez, in his stewardship, underscores that accountability is an indispensable pillar of our democratic governance.” (Billy Begas)

See Related Story Here:

Rep. Co iginiit kahalagahan ng kita ng PAGCOR sa implementasyon ng proyekto ng gobyerno

TELETABLOID

Follow Abante News on