WebClick Tracer

Pura Luka Vega, bawal na rin sa Occidental Mindoro

Nadagdagan pa ang mga lugar na nagdeklara sa drag artist na si Pura Luka Vega na “persona non grata”.

Hindi na rin welcome o bawal na sa lalawigan ng Occidental Mindoro si Vega, na Amadeus Fernando Pagente sa tunay na pangalan.

“Ito ay kinakailangang gawin upang magsilbing aral at hindi na pamarisan… upang maipagpatuloy ang paggalang at pananampalataya sa ating Diyos Amang Lumikha, hindi lamang ng mga kabataan, kundi pati na rin ng buong Mamamayang Mindoreño,” saad ng Mindoro Provincial Council, sa pangunguna ni Vice Governor Diana Tayag, sa isang statement.

Nag-ugat ang pagdedeklara kay Vega na persona non grata sa viral na “Ama Namin” drag performance niya sa isang bar.

Nauna nang nagpataw ng persona non grata kay Vega ang mga lalawigan ng Bukidnon; General Santos City; Floridablanca sa Pampanga; at Toboso, Negros Occidental.

Gayundin ang Maynila; Cagayan de Oro; Laguna; Nueva Ecija at Cebu City. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on