WebClick Tracer

Pamasahe sa eroplano sisirit sa Setyembre

Nakatakdang tumaas sa Setyembre ang pamasahe sa eroplano matapos aprubahan ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang pagtaas ng fuel surcharge.

Sa isang advisory, inihayag ng CAB na magiging Level 6 na ang fuel surcharge mula sa kasalukuyang Level 4.

Ito ang unang pagkakataon sa taong ito na itinaas ng CAB ang rate mula noong sinimulan nitong ibaba ang surcharge ng Abril.

Sa Level 6, magbabayad ng fuel surcharge na P185 hanggang P665 bawat isa ang mga pasahero ng mga domestic flight habang sisingilin ng P610.37 hanggang P4,538.40 ang mga patungo naman sa ibang bansa.

Mula ito sa Level 4 na nagpapataw ng dagdag na P117 hanggang P342 sa mga domestic flight at P385.70 hanggang P2,867.82 sa mga flight abroad.

Ang fuel surcharge ay dinadagdag sa base fare na sinisingil ng mga airline upang matulungan silang mabawi ang mga gastos sa gasolina. (IS)

See Related Story Here:

MRT 3 hihirit din ng dagdag singil sa pamasahe – DOTr

TELETABLOID

Follow Abante News on