WebClick Tracer

Jay Sonza pinayagang magpiyansa

Nag-plead ng not guilty ang dating broadcaster na si Jay Sonza sa kaso niyang libel noong 2007.

Pinayagan siya ng Quezon City Regional Trial Court Branch 77 na magpiyansa ng P10,000 para rito, ayon sa abogado niyang si Atty. Israelito Torreon.

Nitong Hulyo, patungo na sanang Hong Kong si Sonza ngunit hinarang siya ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport Terminal nang madiskubre na may active warrant of arrest laban sa kanya.

Kaugnay ito sa mga kinahaharap niyang kaso na syndicated large-scale illegal recruitment at estafa.

Ibinasura na ang mga kaso niyang illegal recruitment habang nahaharap pa rin siya sa estafa.

Ani Torreon, bailable din ang mga kasong estafa ni Sonza.

Sa susunod na linggo rawmagpipiyansa ang dating newscaster sa mga kaso niyang estafa at libel, ayon pa sa abogado.

TELETABLOID

Follow Abante News on