WebClick Tracer

Chiz: Mas malaki pa sa DA, DSWD, DND: Flood control projects binaha ng P255-B pondo

Pinuna ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero ang inilaang pondo para sa flood control projects sa susunod na taon na umabot sa P255 bilyon.

“The amount proposed for 2024 – P255 billion – “looms large by any yardstick”. “It is too big for tubig,“ sabi ni Escudero.

Ayon sa senador, mas malaki pa ang naturang pondo para sa flood control projects kesa kabuhang pondo ng P181 bilyon para sa susunod na taon.

“Flood control even beat our railway budget by over a P100 billion. Railway budget is only P153 billion and irrigation at P31 billion. Parang creek lang ang irrigation while flood control is a mighty river,” saad ni Escudero.

“In fact, flood control is bigger than the entire agriculture budget which has been earmarked P181 billion for 2024, “ dagdag niya.

“If we are spending more for draining water and dredging rivers than for planting food then what is the justification for this,” saad pa ng senador.

Ayon pa sa beteranong mambabatas, hindi naman nabanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang flood control sa Medium-Term Philippine Development Plan (MTPDP) na nilagdaan nitong noong Enero ng taong ito kaya’t nakapagtatakang mas malaki pa ang pondo nito sa ilang mahahalagang ahensya ng pamahalaan.

“Ang kapal ng dokumentong iyan. Tatlong beses lang na-mention ang sa flood-control sa Infrastructure and Disaster Resilience chapters. Wala sa MTPDP na nagsasabi na ang national economic reconstruction ay through canal excavation,” sabi ni Escudero.

Bukod diyan, mas malaki rin umano ang pondo ng flood control projects kesa sa pondo ng Department of Social Welfare and Development at Department of National Defense.

“If agriculture is important, why is it that the budget for flood control is bigger than the budget of the Department of Agriculture (DA) or the agriculture sector as a whole?” tanong ng senador.

Dahil sa problema sa West Philippine Sea, tinanong pa ni Escudero kung bakit kailangan kalaki ang inilaang pondo ng pamahalaan sa flood sa halip na magdagdag ng pondo para mapalakas ang territorial defense ng bansa.

“Flood control is not bad per se. It is needed. To prevent harm being done on people. But it should be at the right amount. Not by opening the floodgates of money,” sambit pa ni Escudero. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Dagdagan intel fund ng PH Coast Guard – Escudero

TELETABLOID

Follow Abante News on