WebClick Tracer

Beteranong aktres na si Angie Ferro, pumanaw na

Pumanaw na noong Huwebes, Agosto 17, sa edad na 86 ang beteranong aktres na si Angie Ferro.

Noong 1979 itinanghal ito na FAMAS Best Supporting Actress para sa pelikulang ‘Pagputi ng Uwak… Pag-itim ng Tagak’.

Gumanap din ito sa mga pelikulang ‘Lipad, Darna, Lipad!’, ‘Birdshot’, ‘Lola Igna’ at ‘Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan’.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on