WebClick Tracer

Australian PM bibisita sa bansa sa susunod na buwan

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas sa susunod na buwan si Australian Prime Minister Anthony Albanese para sa dalawang araw na state visit sa Sept. 7-8, 2023.

Ayon sa Presidential Communications Office, ito ang kauna-unahang pagbisita ng Australian Prime Minister simula noong 2003 kaya aasahang maraming mga bagay na pag-uusapan sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ikinagalak naman ng Presidente ang nakatakdang pagbisita ni Albanese kaya’t ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ang mga isyung pag-uusapan ng mga ito.

Ayon sa PCO, inaabangan ang magiging pagpupulong ni Pangulong Marcos at Prime Minister Albanese sa Sept. 8 para muling buhayin ang partnership at kooperasyon sa sa depensa at seguridad, kalakalan, economic development at maritime affairs.

Matatandaang nagsimula na ang serye ng high-level na pulong at pag-uusap ang Pilipinas at Australia nitong taon para palakasin ang partnership sa iba’t ibang larangan tungo sa pagsulong ng dalawang bansa. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

Australian PM dumalaw sa mga biktima ng bushfires, pinagmumura

TELETABLOID

Follow Abante News on