WebClick Tracer

Aljur Abrenica, AJ Raval mainit ang romansahan sa ‘Sugapa’

Inilabas na ang trailer ng newest Vivamax film na “Sugapa” na pinagbibidahan ng real-life couple na sina Aljur Abrenica at AJ Raval.

Ilan sa mga takaw-pansin sa trailer ang mainit na romansahan nina Aljur at AJ pati na ang dialogue ng aktres sa bandang dulo kung saan sinabihan niya ang aktor na “bago ka maglandi, isipin mo muna bakit tayo nagpapakahirap dito.”

Mapapanood ang comeback movie ni AJ sa Vivamax sa August 25, 2023.

Ang “Sugapa” ang ikalawang pelikula na ginawa nina AJ at Aljur.

Una silang nagkasama sa Vivamax movie na Nerisa noong 2021, kung saan magkuya ang roles nila.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizen:

“Parang true to life ah.”

“The design is very true to life. emz!”

“Wow parang pinakita nila sa totoong buhay pag ka daring scene nila.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on