WebClick Tracer

Abril bilang National Basketball Month pasado na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukala na nagdedeklara sa buwan ng Abril bilang National Basketball Month.

Walang tumutol sa pagpasa ng House Bill 8268 na nakakuha ng 272 boto.

Layunin ng panukala na kilalanin ang positibong epekto ng basketball at ang kahalagahan ng pisikal na aktibidad para sa malusog na pangangatawan.

“We would like to institutionalize the annual celebration of National Basketball Month in all provinces, cities, municipalities, and barangays to promote basketball in the local government units and educational institutions,” sabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na mismong Konstitusyon ang nagmamando sa gobyerno na isulong ang physical education at mga sports program.

Sa ilalim ng panukala, ang Philippine Sports Commission ang mangunguna sa paglalatag ng taunang programa ng mga gagawing aktibidad katuwang ang Philippine Olympic Committee, Department of Education, Commission on Higher Education, Games and Amusements Board, Department of the Interior and Local Government, at kaukulang National Sports Association. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on