WebClick Tracer

4,400 law enforcers ikakalat sa NCR, Central Luzon para sa FIBA World Cup

Tinatayang nasa 4,400 na law enforcers ang ikakalat sa National Capital Region (NCR) at Central Luzon para sa paparating na FIBA World Cup.

Ang FIBA World Cup ay gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Magsisimula ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup laban sa Dominican Republic sa Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, kabilang umano sa nasabing bilang ang mga miyembro ng PNP, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard pati na rin ang Philippine Red Cross at Department of Health.

“Ngayon pa lamang ay may mga soft deployment na po tayo, particularly diyan sa mga airport at sa mga building area,” ayon kay Fajardo.

“Dahil simula kahapon ay nagsimula na rin magdatingan ang mga participants at mga delegates.” dagdag pa nito.

Ang mga laro sa ‘Pinas ay gaganapin sa Philippine Arena, Smart Araneta Coliseum sa Quezon City at SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

(CS)

 

See Related Story Here:

Gilas target maka-2 panalo sa FIBA World Cup

TELETABLOID

Follow Abante News on