WebClick Tracer

Vina Morales bet pang mag-asawa

Inamin ng actress-singer na si Vina Morales na kahit matagal na siyang single mom, bukas pa rin ang puso niya sa pag-aasawa.

Huling napabalitang boyfriend niya ang French na si Marc Lambert.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda”, tinanong si Vina kung naniniwala pa ba siya sa pagpapakasal.

“Wow, what a question. Dadating ba ako diyan, ang tanong?” ani Vina.

“That’s what I’ve been praying for. That’s in my prayer,” saad pa ng 47-year-old actress.

Hindi naman daw nagmamadali si Vina dahil naniniwala siyang may isang tao na itinadhana para sa kanya.

“Kung mangyari ‘yon, ‘yung bucket list, another check sa love life naman, but for now, I’m just taking it easy.

“In God’s time, in God’s perfect time, I always believe na, you know, there’s someone out there for me. The right one — ayoko nang ipilit.

“I still believe in marriage. Kasi ano ‘yun eh, for me, that’s God’s blessing,” pagpapatuloy pa niya.

Nagkaanak si Vina sa ex-boyfriend na si Cedric Lee. Isinilang ang anak nilang si Ceana noong 2009. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on