WebClick Tracer

Tulfo sinabon mga opisyal ng DMW: Huwag paasahin Saudi OFWs

Magkaiba ang pahayag ng dalawang ahensya ng gobyerno kaugnay ng kung paano nila matutulungan ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia na nawalan ng trabaho matapos magdeklara ng bankruptcy.

Sa pagdinig ng joint congressional oversight committee on migrant workers, sinabihan ni Tulfo ang mga opisyal ng Department of Migrant Workers na magbigay ng timeline para sa pangakong mababayaran na ang unpaid salaries ng mga Pinoy worker na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia ilang taon ang nakakaraan.

Sabi ni DMW Undersecretary Bernard Olalia, malapit na umanong mabayaran ang mga OFWs. “Malapit na po sila mabayaran,” sabi ni Olalia sa komite.

Subalit gustong marinig ni Tulfo kung anong petsa ito mangyayari dahil nabanggit umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na nangako ang Crown Prince ng Saudi na babayaran na mga claim ng mga OFW.

Ayon kay Olalia, isang high-ranking minister mula sa Saudi Arabia ang darating sa Pilipinas sa taong ito magdala ng magandang balita patungkol sa mga claim ng manggagawang Pinoy.

“May parating po silang napakataas na minister dito po sa ating bansa ngayong taon at ‘yun pong minister na ‘yon ay inaasahan po nating makikipagpulong sa ating mahal na Presidente at may good news po,” saad ni Olalia.

Subalit giit ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo Jose A. De Vega, sinabi ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia na malabong maayos ang claim ngayong taong ito.

“We don’t want to appear that we are contradicting the word of our fellow agency, but the DFA will be frank, we’ll be honest sa ating mga kababayan. Early this year, our embassy reported that it is not realistic to expect to come this year,” sabi ni De Vega.

Paglilinaw pa ni De Vega, ang kumpanya ang magbabayad sa mga OFW at hindi ang gobyerno ng Saudi.

Dahil dito, sinabon naman ni Tulfo ang mga opisyal ng OFW na iwasang magbigay ng ‘premature’ na mga pahayag dahil nagbibigay lang ito ng false hope o maling pag-asa sa mga OFW.

“Don’t give our kababayans false hope. They’re hoping na makakatanggap na sila ng pera after so many months or years of waiting, ‘yun pala wala. Pinaasa na natin, don’t. Mag-announce kayo pag siguardo na kayo,” saad ni Tulfo.

“Next time, tell your boss ‘wag basta basta ibukas ang kanyang bibig kung hindi siya sigurado para sa kapakanan ng lahat,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Tulfo, Yap pinababasura Oil Deregulation law

TELETABLOID

Follow Abante News on