WebClick Tracer

Taas-singil ng truckers dapat may tamang batayan – Antipolo rep

Iginiit ni House Committee on Transportation chairperson at Antipolo Rep. Romeo Acop ang kahalagahan na matiyak na tama ang batayan at ang halaga ng ipatutupad na pagtaas sa singil ng mga trucking company.

“Like all petitions for increase in fares or charges regulated by government, this should be supported by data and numbers… and not narratives,” sabi ni Acop matapos sabihin ng Confederation of Truckers Association of the Philippines na magpapatupad ito ng taas-singil sa kanilang serbisyo.

Binigyan-diin ni Acop ang kahalagahan na maproseso ng tama ang mga numero para matukoy ang angkop na pagtataas.

“These numbers should then be processed using an equation/algorithm to immediately determine the reasonableness and necessity of the increase. Factors such as wages, cost of spare parts, other government fees, etc should be considered,” sabi ni Acop.

“An equation should be formulated by DOTR and the concerned agency to identify economic variables necessary in operating that service PLUS a reasonable rate of return… To AUTOMATICALLY and SCIENTIFICALLY determine the basis of the petition,” dagdag pa ng mambabatas.

Dapat din umanong isama sa pagbabatayan ng pagtataas ang income tax return ng mga maghahain ng petisyon ng pagtataas.

“In addition, income tax returns of the concerned petitioners should be submitted (and likewise regularly scrutinized) to determine and support the claim of the necessity and soundness of the petition,” dagdag pa ni Acop.

Ang proseso umanong ito ng pagkuwenta kung tataas o bababa ang singil ay ginagawa na ang Civil Aviation Board sa pagtukoy ng angkop na fuel surcharges.

Sang-ayon din si Acop na ikonsidera ang pagpapaganda ng sasakyan at pasuweldo ng mga trucking company sa mga empleyado nito bago payagan ang taas-singil. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on