WebClick Tracer

Ricci Rivero naispatang may kasamang bebot sa mall

Nagkalat na online ang litrato ni Ricci Rivero na may kasamang babae sa isang mall.

Ang tingin ng netizens, si beauty queen-councilor Leren Mae Bautista ang kasama ng basketbolista.

Nakunan ng litrato ang dalawa habang nagsa-shopping.

Matatandaang si Leren ang tinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Andrea Brillantes at Ricci.

Nauna nang itinanggi ni Bautista na may romance na namamagitan sa kanila ni Ricci.

“The recent outreach activity in which Councilor Leren participated with Ricci Rivero is not an indication of a romantic relationship between them. The event was organized as part of Councilor Leren’s ongoing efforts to serve the people and contribute to the welfare of her community,” saad nito. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on